CJ-EF 04

Lunes, Disyembre 5, 2011

Teknolohiya:Tulong sa Pag-aaral

           Sa panahon natin ngayon, marami na ang lumalaganap na modernong teknolohiya. Diyan na pumapasok sina computer, laptop, psp, atbp.
           Mahilig ka ba magfacebook? O di kaya magtwitter? Ayon sa isang report, isa sa bawat tatlong consumer o 33 porsyento ang gumagamit ng internet sa ating bansa. Mas gustong magonline ang mga kabataan kaysa sa mga matatanda.
           Nangunguna ang Pilipinas sa paggamit ng facebook noong March 23 2011, kung saan halos 93 porsyento ng populasyon ang online. Ika-6 naman ang Pilipinas sa paggamit ng social networking site na twitter. Umabot na sa 14.8 porsyento ang gumagamit ng twitter sa Pilipinas.
           Tunay nga na pumasok na tayo sa digital era, marami na ang nagkakalat na makabagong gadgets, marami na ang nahihilig sa mga ito. Nahihilig na ang mga kabataan sa mga ganitong bagay. Kung makikita mo ang mga kabataan ngayon meron na silang makabagong cellphone na kung tawagin ay iPhone.
           Naisip nyo ba na maaari nating magamit ang mga gadgets na ito sa pagaaral?
           Ang Department of Education (DepEd) ay naglahad na maaaring magamit ang makabagong teknolohiya sa pagaaral, magiging textbook-free ang pagaaral sa ating bansa, at ayon sa DepEd, maaari ito ang maging andagdag sa mga agkukulang sa pangedukasyong imprasraktura sa bansa.
          Mga bagong teknik sa pagtuturo na base sa teknolohiya na mga materyales ay malaki ang naibabahagi sa paglalahad ng serbisyong edukasyon sa pilipinas na maaaring maging alternatibong soluston sa mga lumang problema sa kakulangan sa silid-aralan, guro, at libro.
          Tunay nga na malaki ang naitutulong sa atin ng teknolohiya lalomng lalo na sa ating pag-aaral. Maari rin itong makatulong upang makausap ang ating mga mahal sa buhay na nasa ibang lugar. Edukasyon ang ating solusyon para tayo ay maging tagumpay sa hinaharap, sa tulong ng mga teknolohiyang ito, mas malaki ang naitutulong nito sa ating pag-aaral.
           Mas mapapadali natin ang ating pag-aaral. sa pamamagitan nito, mas nahihikayat ang mga kabataan sa pag-aaral dahil sumasabay ang edukasyon sa mga makabagong teknolohiya. Sila ay nagaganahang mag-aral. Pwede na sialng mag-aral at gumamit ng internet ng magkasabay kung ipapatupad ng DepEd ang textbook-free na pag-aaral.
           Kailangan nating mag-aral upang umasenso sa buhay at maging matagumpay, magsikap tayo sa pagaaral kahit hindi ipatupad ang textbook-free. Kung ipatupad ito,bago ka man magfacebook o magtwitter, mag-aral ka muna at saka na lang magbukas ng mga social networkingsites, lagi nating unahin ang atin pag-aaral dahil maaari natin itong magamit sa kinabukasan. Huwag masyadong maadik sa computer, lagi munang isipin ang ating pag-aaral dahil para sa sarili nating kapakanan ito.
           Ngayon, gusto mo bang gumamit ng teknolohiya sa pag-aaral?



Sources:
Computer
Laptop
iPhone
Internet

1 Mga Komento:

Ayon kay Blogger Tiradauno...

Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

Mayo 17, 2014 ng 10:48 PM  

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home