CJ-EF 04

Lunes, Disyembre 5, 2011

Teknolohiya:Tulong sa Pag-aaral

           Sa panahon natin ngayon, marami na ang lumalaganap na modernong teknolohiya. Diyan na pumapasok sina computer, laptop, psp, atbp.
           Mahilig ka ba magfacebook? O di kaya magtwitter? Ayon sa isang report, isa sa bawat tatlong consumer o 33 porsyento ang gumagamit ng internet sa ating bansa. Mas gustong magonline ang mga kabataan kaysa sa mga matatanda.
           Nangunguna ang Pilipinas sa paggamit ng facebook noong March 23 2011, kung saan halos 93 porsyento ng populasyon ang online. Ika-6 naman ang Pilipinas sa paggamit ng social networking site na twitter. Umabot na sa 14.8 porsyento ang gumagamit ng twitter sa Pilipinas.
           Tunay nga na pumasok na tayo sa digital era, marami na ang nagkakalat na makabagong gadgets, marami na ang nahihilig sa mga ito. Nahihilig na ang mga kabataan sa mga ganitong bagay. Kung makikita mo ang mga kabataan ngayon meron na silang makabagong cellphone na kung tawagin ay iPhone.
           Naisip nyo ba na maaari nating magamit ang mga gadgets na ito sa pagaaral?
           Ang Department of Education (DepEd) ay naglahad na maaaring magamit ang makabagong teknolohiya sa pagaaral, magiging textbook-free ang pagaaral sa ating bansa, at ayon sa DepEd, maaari ito ang maging andagdag sa mga agkukulang sa pangedukasyong imprasraktura sa bansa.
          Mga bagong teknik sa pagtuturo na base sa teknolohiya na mga materyales ay malaki ang naibabahagi sa paglalahad ng serbisyong edukasyon sa pilipinas na maaaring maging alternatibong soluston sa mga lumang problema sa kakulangan sa silid-aralan, guro, at libro.
          Tunay nga na malaki ang naitutulong sa atin ng teknolohiya lalomng lalo na sa ating pag-aaral. Maari rin itong makatulong upang makausap ang ating mga mahal sa buhay na nasa ibang lugar. Edukasyon ang ating solusyon para tayo ay maging tagumpay sa hinaharap, sa tulong ng mga teknolohiyang ito, mas malaki ang naitutulong nito sa ating pag-aaral.
           Mas mapapadali natin ang ating pag-aaral. sa pamamagitan nito, mas nahihikayat ang mga kabataan sa pag-aaral dahil sumasabay ang edukasyon sa mga makabagong teknolohiya. Sila ay nagaganahang mag-aral. Pwede na sialng mag-aral at gumamit ng internet ng magkasabay kung ipapatupad ng DepEd ang textbook-free na pag-aaral.
           Kailangan nating mag-aral upang umasenso sa buhay at maging matagumpay, magsikap tayo sa pagaaral kahit hindi ipatupad ang textbook-free. Kung ipatupad ito,bago ka man magfacebook o magtwitter, mag-aral ka muna at saka na lang magbukas ng mga social networkingsites, lagi nating unahin ang atin pag-aaral dahil maaari natin itong magamit sa kinabukasan. Huwag masyadong maadik sa computer, lagi munang isipin ang ating pag-aaral dahil para sa sarili nating kapakanan ito.
           Ngayon, gusto mo bang gumamit ng teknolohiya sa pag-aaral?



Sources:
Computer
Laptop
iPhone
Internet

4 Mga Komento:

Ayon kay Blogger Unknown...

para sa akin, ako ay sumasangayon sa paggait ng teknolohiya sa pag-aaral. sapagkat dito malaki ang maitutulong at maiaambag sa ating kaalaman at lalo na kung hindi sapat ang naiibigay na kaalaman na nasa libro.

Setyembre 12, 2014 nang 11:37 PM  
Ayon kay Blogger Unknown...

ako ay hindi sumasangayon kay jennifer balita sa kanyang nasabing komento sapagkat sa panahon ngayon iba na ang kaugalian ng mga studyante pagdating sa pagaaral lalo na sa paggamit ng teknolohiya ..dahil mas tinututukan na ng mga batang studyante ang paglalaro ng mga kung anu ano na nanggagaling sa tekolohiya .. oo nngat napapadali ng nakakarami ang paghanap ng kanilang asignatura, ngunit nababaling ang kanilang atensyon sa paglalaro at pagffb atbp.

Setyembre 16, 2014 nang 4:14 PM  
Ayon kay Blogger clar...

Ou naman talagang kapakipakinabang ang teknolohiya sa pag aaral.Sakit.info

Hunyo 29, 2019 nang 4:56 AM  
Ayon kay Anonymous Hindi-nagpakilala...

Top 10 best sites for making movies on youtube
Best sites mp3 juice for making movies on youtube by video channel: YouTube - Top 10 Best Websites to Watch Online Movies on Youtube · Top 10 2 answers  ·  Top 10 Best Websites for Making Movies on Youtube · Top 10 Best Websites to Watch Online Movies · Top 10

Pebrero 4, 2022 nang 7:16 PM  

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home